Urinalysis
Bagong buhay. Bagong pag-asa. Bagong bubunuin para makarating kung saan man papunta. Subok lang ng subok. Hindi sumusuko. Dahil pag sumuko, paano na? Ganun naman. Ganun lang ang buhay, ang mundo, pasaan pa ay magugunaw din naman kaya enjoy lang.
Speaking of bagong buhay, nagsimula na ang road to bagong buhay (well, lagi naman nag-uumpisa. Nakailang bagong buhay na ko, sabi ko. Pero ganun yon. Walang sukuan!). Ang welcoming committee nito ay medical. Karimarimarim na kaba lang naman ang inabot ko. Last week, I was asked to submit medical results - check-up time! So bago pa man yun, kinakabahan na ko. Though alam ko naman na wala akong sakit or anything, except siguro sa masakit ang tuhod ko at may sipon ako na very slight. 'Di naman malubha, diba? Proud na proud si Miss Constipated 2016 dahil nakapagdala ng stool sample (kung paano ko nagawa ang lahat ng involved dun ay wag na natin pag-usapan), nagpigil ng ihi for 30 minutes para sa urine sample, kinaya ang blood extraction ng hindi nahihimatay, pinacheck ang kapiranggot na boobs for lumps, mata, tenga, lalamunan, at kung anu-ano pa. Wala. Clear!! Negative findings! Pero syempre 'di ko alam kung ano ang findings ng stool, urine, blood, at chest x-ray. Malalaman ko daw sa susunod na linggo.
At dumating ang susunod na linggo. Kabado na talaga ako, mga 10x more siguro than the previous kaba. Akala mo nominated na Best Director or Woman of the Year 2016 sa kaba. Habang binabaybay ang mahaba at matraffic na kalsada ng Taft Avenue, umiisip na ko ng resort at fallback kung anong gagawin ko next sa life ko sakaling makandaleche leche ang resulta ng medical. Ano ba pwedeng back-up sa lahat ng 'to na hindi kailangan ng medical?! Jusko, universe, maawa ka. Paano ako magbabayad ng bills at ng renta sa bahay kundi mo aayusin? Dinalangin ko na 'to kay Lord. Nakipagbargain na ako sakanya, sinaalang alang ko na hindi magkalovelife for another 3 months extension maging oks lang ang lahat. Kapit. Sige. Eto na. Harapin natin.
At dinala ako dun sa clinic for evaluation. Ayos! Negative naman lahat. Pati yung sa urine ay negative din naman. Pero sandali, bruha ka Shainne, wag ka masyadong masaya. Kumuha ng papel ang attending physician, rumeseta si teh, pero nakatingin ako sa results, NEGATIVE ang findings, walang problema, pero biglang sabi niya "repeat urinalysis ka. Double check lang. Baka di ka umiinom masyado ng tubig..." Basta may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig. Ang nasa isip ko, lumaban ako universe, hinarap ko, naging mabuti, pero ano 'to? Bakit repeat urinalysis keme keme?! Bakit?! Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Pero clear naman daw, double check lang. Para sa kapakanan ko rin naman yata. Wag tayong OA. Kaso lang, syempre, mahirap tanggapin eh. 30 minutes kong pinigil yung ihing yun! Tapos ano?! Parang pag-ibig din na hindi nasuklian, pero mas light.
Well, moving forward! At ready na ako magpaurinalysis ulit. Yehey! Sige. Ito na. Kailangan i-submit sa Friday tapos oks na. Tapos bigla nalang... akong nagkaron ng mens!! Paano ako magpapaurinalysis?! Bakit ba ako sinusubok nitong universe? Gusto mo ba magsuntukan nalang tayo sa labas? Ano bang problema natin?! Diba next week pa ako due?! Bakit advance? Bakeeeeet?! Sumagot ka!!
At dahil OK na ako sa meron kesa naman sa wala. Pumayag nalang din ako sa kagustuhan ng pagkakataon. Tinanggap ko na. Tinawagan ko yung in-charge at sinabi ang sitwasyon ko at babalikan nalang daw ako para sa sagot kung ano ang next na gagawin. At sana naman sumagot na din kasi ang deadline ay sa Friday.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong araw na ngayon. Buti pa yung telepono ko, alam. Dapat lang siguro yun bilang smartphone siya. Kailangan alam niya yan. Lalo na sa mga oras na wala sa wisyo at proper orbit yung amo niya.
At habang naghihintay ako ng sagot at katapusan ng period ko at nakikipagbuno sa telepono ko kung anong araw na, lumalaklak ako ng tubig. 2-3 liters daw per day sabi ni doc or lamunin nalang ako ng universe tutal panalo siya ngayon.
Sana nasakin pa din ang huling halakhak. At sana naman walang additional obstacles itong si universe. Wala bang half-time break?! Konting awa naman oh. Ito ay para sa bagong buhay, bagong pag-asa at mga bagong bubunuin. Para naman din makarating sa kung saan man papunta.

Comments
Post a Comment