Libre Umiyak, Besh

So ito nga. Yung mga besh ko na magkakausap kami tungkol sa mga librong nabasa namin. Ang saya. Kasi minsan wala akong kakwentuhan tungkol sa mga libro na nabasa ko o nabasa nila. Yung iba sobrang lalim, yung iba sadyang walang interes lang.

Lahat kami stressed sa kung paano tatakbo ang kanya-kanya naming grupo. Ewan. Bahala na si Batman. Lagi lang naman siya ang bahala. Kaya niya na yan.

Going back. Madami ako nabasang libro dati pati na rin siguro ngayon, may iilan. Sa sobrang busy ko sa trabaho at sa bahay eh bakit ba hindi na ko makapagbasa. Nung mag-isa akong namumuhay sa tuktok ng building dati, madami akong oras mag-emote. Kada librong nakakaiyak na nabasa ko, iiyak ako. SO WHAT? HAHAHA. Feel na feel ko bawat chapters. Kasama ko ang tahimik na mundo ko, tanaw ang mga bahay, buildings, at mga billboards sa malayo. Pati na rin yung langit at ulap na nagsasabi sakin dati na "lumabas ka naman sa lungga mo."

Karamihan ng hugot ko sa mga sinusulat, nakuha ko sa mga librong nabasa ko tapos yung iba sa mga sakit tungkol sa pag-ibig, sa pagkakaibigan, sa mga kwento ng ibang tao sakin, at sa mga experiences nila.

Nakakaiyak yung mga ibang dinanas natin pero mas madami yung nakakatawa kasi sobrang lala saka sobrang tanga. Hahaha! Pero libre umiyak. Lalo na kapag nakakaiyak talaga. Bakit mo ba pinipigilan? Wala naman nakakakita. Siguro ang pangit mo umiyak pero keber na kasi yan.

Nagsusulat ako ngayon para sa pelikula at para sa isang libro. Malapit na deadline pero puro palang pahapyaw na ideya. Hindi ko alam kung may mararating pero pitch lang ng pitch! Bahala si Batman kung saan aabot.

Madali magsulat kapag may napagdaanan. Lahat hugot. Lahat masakit. Okay din ang konting sakit minsan, ano? Nagkakaron ng trabaho. Hehe


Comments

Popular posts from this blog

Montalban Waterpark and Garden Resort

Ang Liham ni Andres Bonifacio kay Ka Oryang

Pinto Art Museum