Bethtie
One year ago nasa Baguio ako, at nung taon bago pa. Madaming tao pero malamig pa din. Naglalakad, tipong kahit saan makarating.
Ngayon, nasa bahay lang ako. Nanonood ng mga balita - yung iba hindi makauwi ng Baguio at ng ibang probinsya dahil sa rally ng mga drayber at kundoktor. Sana makauwi na sila.
Quota ako sa pagpunta sa Baguio ngayong taon dahil sa dating trabaho. Parang yung lugar slows you down. Parang nirerelax ka kahit alam mo sa sarili mo na hindi ka relaxed at stressed na stressed ka talaga. Madaming memories ang nandun sa Baguio - memories na hindi romantic; memories ng moving on at letting go at mga sobrang ginaw moments.
Naalala ko, mga three years ago siguro, nasa Baguio din kami ni Emily; namomroblema siya sa pag-ibig; ako din yata, namomroblema ako kasi ayoko ng pag-ibig. Pareho kami ng problema pero magkaiba. Weird. Pero ganun talaga.
Last year nasa Baguio din kami. Maginaw. Madaming tao. Pero iba yon; kasi wala kaming problema ni Emily. Wala kaming ginawa kundi magpicture, mamamasyal, at kumain. Nanood din kami ng sine. Sa dinami dami ng mall dito sa Maynila, sa Baguio pa kami nanood. Ok din. Mas mura. Mas masaya.
Ngayon nasa Baguio ulit sa Emily at ako nandito sa Manila. Nagkukulitan pa din kami; namimiss niya daw ako, wala daw siyang magawa dun. Ako din namimiss ko siya, kahit na masaya akong walang magawa dito.
Actually, lagi ko siyang namimiss. Kapag nandiyan siya para bang walang pwedeng umapi sakin. Para bang nakahanap ako ng kakampi kahit hindi kami magsabihan na 'kampi tayo ah!' Para bang lahat nakakatawa. Kahit malaking problema, nakakatawa. Kahit bihira lang kami magkita tapos pag nagkita kami yung para bang nakauwi ka ng bahay? Parang pwede ka maging ikaw kahit gaano ka pa kasama sa palagay mo. Kahit gaano pa kadrama, ok lang. Kahit umiiyak ka na ikaw mismo hindi mo alam yung dahilan, ok pa rin sakanya. Parang kahit mag-away kayo alam niyo pa din na magkaibigan kayo. Kahit wala kayong pera at saka kahit meron, pareho lang.
Wala ako sa Baguio at wala si Emily sa Maynila pero magkasama pa rin kami.
Hindi mo naman birthday, Emily. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita at namimiss kita.
Nabigay mo na din naman ang regalo ko nitong pasko at hindi naman uso ang magbigay ng regalo kapag New Year pero sana kahit hindi uso, sa 2017 at sa mga susunod nandiyan ka pa din. Sana wala kang choice.
Madami akong kakilala, madami din akong friends at Facebook friends, pero iilan lang ang alam ang istorya, at ikaw ang may akda ng Table of Contents. Ikaw din yata ang Preface. Salamat, Bethtie.
Sana makapag Balesin tayo pag nakaluwag-luwag.

Comments
Post a Comment