Bethtie
One year ago nasa Baguio ako, at nung taon bago pa. Madaming tao pero malamig pa din. Naglalakad, tipong kahit saan makarating. Ngayon, nasa bahay lang ako. Nanonood ng mga balita - yung iba hindi makauwi ng Baguio at ng ibang probinsya dahil sa rally ng mga drayber at kundoktor. Sana makauwi na sila. Quota ako sa pagpunta sa Baguio ngayong taon dahil sa dating trabaho. Parang yung lugar slows you down. Parang nirerelax ka kahit alam mo sa sarili mo na hindi ka relaxed at stressed na stressed ka talaga. Madaming memories ang nandun sa Baguio - memories na hindi romantic; memories ng moving on at letting go at mga sobrang ginaw moments. Naalala ko, mga three years ago siguro, nasa Baguio din kami ni Emily; namomroblema siya sa pag-ibig; ako din yata, namomroblema ako kasi ayoko ng pag-ibig. Pareho kami ng problema pero magkaiba. Weird. Pero ganun talaga. Last year nasa Baguio din kami. Maginaw. Madaming tao. Pero iba yon; kasi wala kaming problema ni Emily. Wala kaming ginawa ku...