Sa UP

Sabado sa UP. Tapos na yung ulan. Pumunta kami sa Vargas Museum. Tahimik dun katulad ng dati. Mas may feels siguro kasi kakatapos lang umulan tapos hapon na rin. Parang bang iba yung pakiramdam. Masayang katahimikan kumbaga. Hindi ko ma-explain eh. Basta. 

Madalas ako sa UP dahil sa mga requirements sa Masters at mga ganap na dinadaluhan. Paboritong lugar kung saan pwedeng pulutin ang sarili. Kung saan pwedeng hanapin ang sarili kahit na alam ko naman na wala ang sarili ko dun. Iba lang.

Madalas ako sa UP lalo na pag wasak ako. Wala naman gamot dun para pampawala ng sakit ng nararamdaman pero pag uwi ko galing dun parang okay naman na ako. Hindi na masyadong masakit. Konti nalang. Parang may magic. Parang yakap ng lola ko. 

Sabi ko dati ayoko na pumunta lang sa UP at magmuni-muni kapag wasak ako, gusto ko yung masaya ako o yung hindi ako nag-aalala. Paulit-ulit kong sinasabi yun sa sarili ko dati. Sabi ko ayaw ko na ma-hurt bes! Gusto ko pupunta ako dito maligaya ako. 

Kung hindi ako pupunta sa UP ng wasak ako, may kasama akong wasak. Ginawa namin therapy ang UP sa mga bagay na hindi na namin kontrol. Same trick - tumakbo at lumakad sa oval. Makikinig sa mga istorya na masakit sa damdamin. Yung parang sana pwede mo din i-share yung feelings parang pizza slice para maubos na. Kaso hindi eh. 

Hindi ko alam kung paano ko inumpisahan maniwala sa mga ayaw ko na paniwalaan. Hindi ko din alam kung pano hindi mangamba sa mga bagay na ni hindi ko na iniisip sabi ko sa sarili ko. Pero masaya naman ako ngayon. Yung saya na sana masaya na talaga. Nakipagbargain na ako sa universe na sana naman ibalato na ito sa akin dahil tiniis ko naman ang mga power tripping niya dati. Sobra naman na siguro yun. Quota na ako. Pwede na siguro ako mangomisyon. 

Ang lawak ng lugar diba noh? Pero gusto kong nakadikit sayo. Ang daming pwedeng makita noh? Pero gusto ko na ikaw lang. Nasaang parte na ba tayo ng mundo? Nasa UP pa rin ba tayo? O langit na ba 'to? 

Gusto kong isipin na naging mabuti at bayani ako sa past life ko para maging masaya ngayon. At dahil kumota ako sa sakit at pighati at may balance pa sakin ang universe, baka ito na nga yun. Period. No erase.

Sabado sa UP. Tapos na yung ulan. Pumunta kami sa Vargas Museum. Tahimik dun katulad ng dati. Pero yung puso ko maingay. Maingay sa saya. 

Comments

Popular posts from this blog

Montalban Waterpark and Garden Resort

Ang Liham ni Andres Bonifacio kay Ka Oryang

Pinto Art Museum