Sana Sa Dati
Manila, Philippines (c) Shainne Hostalero |
Sa bawat panahon na kasama kita, gusto ko sabihin sayo kung gaano ka kaimportante sakin
Kung gaano ako kasaya kahit walang salitang lalabas sa ating bibig, ito'y hindi maipapaliwanag
Sa pagdating mo, tila lahat ay nag-iba
Ang dating malungkot na ako ay wala na, dahil sa pag lusong mo sa dagat ng aking buhay
Napakaraming salita ang gusto ko iyong malaman
Naparakaraming bagay na gusto ko ibahagi sa iyo
Ang lahat ng aking lungkot, lumbay, galit, at lalo na ang saya, gusto ko sana ang mga ito ay maipadama
Sa pagdating mo, ang luha ay naging ngiti
Sa mga patlang sa aking pangungusap, ikaw ang sagot na salita
Sa mga ilaw ay ikaw ang liwanag
Sa bahaghari, ikaw ang kulay
Sa aking lumbay, ikaw ang saya
Lahat ng ito ay puno ng galak
Lahat ng ito ay puno ng pag-ibig para sa iyo
Tila ba naalis ang mga balakid
Tila ba nasagot ang mga tanong
Ngunit sa pagtakbo ng oras, ay pagtakbo din ng pagbabago
Pilit kong iniiwasan ang magdamdam dahil alam ko na may sarili kang dahilan
Lahat ay tila ba biglang nag-iba
At masakit para sa akin na tanggapin na ganun na nga yata talaga
May saya, tawa, at ngiti pa rin naman
Ngunit tila ba ang pakialam mo ay marahil nabawasan na
Naiisip ko din na baka nangyaring wala na
Masakit. Makirot. Malungkot. May luha.
Mga bagay ay sadyang nagbago at may mga dahilan ito panigurado
Sa bawat pagpatak ng oras na alam ko na parang wala ka na, pinikit ko ang aking mga mata
Pikit ang mga ito upang hindi makita ang ano mang masakit
Sakit na talaga naman na nagmamarka
Natatakot ako na mawala ka, ngunit mas takot ako na mawala ako
Marahil sa paglisan mo - na ayaw ko naman na mangyari - maiiwan akong sawi
Sawi sa palaisipan na ang dati mong pagtingin na puro ligaya
Sawi sa palaisipan at maramdaman ang iyong paglayo at pag iwan mo
Ang dating tayo ay magiging ako nalang
Ang dating buo ay madudurog nanaman
Ang dating dalawa ay magiging isa na lamang
Ang tiyak na masakit doon ay ang katotohanan
Sana Sa Dati is my participatory piece in commemoration in this month's Buwan ng Panitikan.
Sana Sa Dati is my participatory piece in commemoration in this month's Buwan ng Panitikan.
:'(
ReplyDelete