Hindi ka pagod, feeling mo lang. Sumige ka lang. Sige lang.

Taken at Baguio City
View from the BenCab Museum
Ang ganda ng buhay, diba?
Hello 2016,

Usap lang saka konting heads up.

Today is Saturday and I'm not sure. Is it Saturday? Alright. As per my laptop's calendar, it is. Turned on the alarm clock to 8 a.m. before I sleep at 2 a.m. I needed to make up for the articles I have missed because of the holidays. I went for a short vacation and I grabbed the opportunity to rest my mind, body and soul, and feel the vibes of the season.

Life is fun. So much fun! Higit na mas masaya ngayon. And/or perhaps, it is just different now. Kapag naiisip ko na ang mga bagay, ibang-iba. Iba sa mga nakita ko dati pero ganun pa din naman yung mga bagay na yun. Basta. Or I'm just looking at things in a different way now. Maybe I appreciate them more now than before or than ever.

Tons of pending articles are in line. Pero Lord, thank you! Salamat sa maraming raket! Salamat sa maraming trabaho. Salamat!! Iba ka!

A friend asked me:

Friend: Ang dami mong ginagawa, pero nakakalabas ka pa. Ayos! Hindi ka ba napapagod?
Me: Napapagod syempre. Hindi naman ako imortal. Gusto ko din naman matulog ng mahaba. 
F: You are now closer to achieving your dreams.
Me: I'm in the journey towards that. Pero nasa journey palang ako. Nag e-enjoy. I don't think that I'm actually near it. Sobrang malayong malayo pa. I'm so clueless, still. Plus I still don't know kung magbabago pa ang mga pangarap ko. Baka. Siguro. Kahit ako hindi ko din alam. Bahala na si Batman!

Actually, hindi ko talaga alam. I'm just so clueless as some people. I'm not (yet) living the dream but I'm proud to say that I'm living the LIFE. Madami yata akong time mag-isa sa buhay kaya alam ko na we should not depend our happiness to other people and we are in-charge of whatever it is we want to achieve. Madami din akong time na madami akong kasama. Parehong saya din. Ganun yata siguro talaga kapag alam mo na kung ano ang gusto mo, kapag kilala mo na kung sino ka at ano ka. 

I'm not saying that everything is perfect because it's not at wala namang perfect dito sa universe. How we feel and react towards it makes it perfect. Gaano man kababaw at kahit kung gaano man kalalim. Depende sayo. Sayo at sayo lang. 

When you know where you stand, you will then know how to be selfless. The total contrary of  what and how others perceived it to be when you started to spend some time alone - they see it as being selfish. NO. In this regard, you will see and you will feel other people's need. Kung gusto ba nila ng kasama, ng karamay, ng kaibigan. You value them more. You think of them more. You want to share all your 'life changing' experiences with them more. Para masaya lang! 

Maraming beses sa buhay ko na pakiramdam ko pagod (na) ako.
Kapag may mga articles na dapat ipasa - tipong alas onse na ng gabi wala pa ako sa kalahati at may pasok pa ako ng alas otso kinabukasan.

When my Marketing and Communications career needed me to squeeze my brain more to have an effective campaign. Sa akin, subok lang ng subok. Pitch lang ng pitch. Kayod lang at magsaya. Malaking parte nun dahil mahal mo ang trabaho mo. Gusto mo yung ginagawa mo. Walang makakapigil sayo. 

Nung nagmahal, nasaktan. Tapos nagmahal ulit. Nasaktan ulit, tapos nasaktan pa ulit. Pero mahal mo pa rin kahit na naulit ulit, tapos ang sakit sakit lang. Ang catch: sa iisang tao mo naramdaman yang bwiset na rollercoaster na paulit-ulit na yan. Dati ganito mga linyahan ko:  "Leche ka forevs. Tapos tinetext mo pa ko nun kung kamusta ako eh. Ano ba gusto mo?! Gusto mo ba magsuntukan nalang tayo sa labas???" 
- Yon, dun ko naramdaman na feeling ko pagod na ako. Hindi mahalin ka. Kundi mabugbog ang feelings ko at wala ng matira. Eh sayang naman kung mapagod ako ng tuluyan, nagbabakasakali akong mapansin ako ng crush ko. Malay ko baka pwedeng type niya din ako. Yiheeee!

Ngayon, sobrang energetic ako (nasobrahan naman yata! Hahaha!). Malayong malayo sa pagod kong na-feel ng konti dati. Ano naman inaarte ko? Ilang taon na ba ko? Life hasn't even begun to fuck me yet. Kaya chill lang! Relaks!

Sa mga bagay na meron ako ngayon, para wala na kong mahiling pa eh. Kung ano pa yung gusto ko (career or material things), I'm sure konting kayod pa makukuha ko din. Pag-ibig na wagas nalang siguro. Hahaha! 

Madami din nagtatanong kung sumuko na ba akong umibig (bilang matinding realist ako at hindi naman masyadong mahilig sa mga cheesiness katulad ng iba - kaya napagkakamalan na walang pake). 

Tangina, HINDI! Kahit kailan hindi ako susuko at hindi ko sinusukuan ang mga ganyan. Naks! Nagiging careful siguro, oo - eh dapat naman diba? Pero hindi sarado. Bukas na bukas (pero hindi parang carinderia na bukas sa lahat ng gustong kumain. Iba yon.) Hmmm. pwedeng Negotiable. May standards. Hindi naman mataas pero meron. Pero sino makakapagsabi, kapag tinamaan ka, tinamaan ka eh. Parang kang sisipunin. Madami ka pang pangontrang paracetamol pero pag gising mo kinabukasan may sipon ka.

I believe that you, 2016, your only way is just up. All for the better. Huwag matakot! Manalig. Umibig. Lumigaya. (Impluwensiya ng isa sa mga paborito at hinahangaan kong direktor at manunulat, Antoinette Jadaone).

This year, I will be working extra extra hard but will play (live) extra extra harder! #alipinngsalapi #maybinibilingisla #maybinibilingbagongozonelayer (at ganun din sa love, if applies)

Life's fun and magical. It is unfair, maybe. But make your own pitch. Do your best on how you can get around its unfairness. Enjoy the ride. Laugh like there's no tomorrow and love as if it's the only thing - but take your brain with you. Right, 2016?

Ngayon, nag-sink in na. 2016 nandito ka na nga. Umayos ka kasi kapag hindi, magsusuntukan tayo sa labas. 

Hindi pa at hinding hindi mapapagod,  

Shainne

Comments

Popular posts from this blog

Montalban Waterpark and Garden Resort

Ang Liham ni Andres Bonifacio kay Ka Oryang

Pinto Art Museum