That Thing Called Tadhana (kind of conversation)
at kung ano ba talaga ang nangyari. Once and for all. Hahaha!
Disclaimer (and being too defensive. Nageexplain!): Since I quit all vices I had during college (we've all been there!), drinking is one of those. I stopped drinking because it felt like I'm too old to be drunk and I have engaged myself with sports. I don't want that (drinking) to be a hindrance why I can't run 10k, swim or whatever.
And since all of us are going through something sometime in our lives, we all had our moments. So, I welcomed the drinking spree and yes, it couldn't get any better than this. Bwahaha!
We had a serious conversation of how things went and conversation of pure foolishness and somehow, it was perfect.
One-on-one inuman:
Me: Sabi nga sa movie, pwede tayong umiyak gabi-gabi, uminom gabi-gabi... repeat until fade.
Friend: Oo nga. Pwede naman talaga yun. Pero bakit di mo ginawa? Bakit di ka naman umiyak gabi-gabi at uminom gabi-gabi? O uminom ka gabi-gabi pero di ako na-invite? Hahaha!
Me: Hindi ka lang na-invite! Hahaha! Joke lang. Hindi ako umiyak gabi-gabi at uminom gabi-gabi kasi I don't feel like it. No amount of tears can bring everything back, no amount of beer can make everything fine. Saka hindi ko feel. Ewan ko. Masaya ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako masaya pero masaya ako. Saka napagdesisyunan ko na gusto ko masaya ako so I'm living it! Kung gusto solusyonan, madali akong kausap. Oo o hindi. Ganun nalang.
Friend: Ayos naman pala eh. Pangalawang linggo ko na 'tong umiinom. Wala naman ngang nangyayari.
Wait, hindi ba siya nageffort para makita ka ulit? Puntahan ka kasi nawawala ka sa wisyo at kailangan mo nang taong magbabalik sayo? Hahaha! Magpumilit kontakin ka kahit wala kang paramdam kasi dami mong problema nun? Tangina, di naman halata sayo eh! Hahaha!
Me: Ayoko sagutin mga tanong mo. Pucha, ang dami. Ganito nalang, sa tingin mo ba kung nangyari lahat ng pinagsasabi mong yan, nagiinuman tayo ngayon? Hahaha!
Friend: Shet, oo nga noh. Hahaha! So, wala din?
Me: Kumontak naman. Di ko lang nasagot kasi madaling araw. Sa loob loob ko, gising din naman ako sa mga ibang parte ng araw bakit madaling araw o sobrang gabi lang kumokontak? Hahaha! Di rin ako nakapag callback. Mali ko yata di ako nagcall back.
Mabait siya. Okay siya. Yun nalang ang i-cherish natin. Hindi naman ako malinis sa issue na 'to. May mali din naman ako.
Mabait siya. Okay siya. Yun nalang ang i-cherish natin. Hindi naman ako malinis sa issue na 'to. May mali din naman ako.
Friend: Pucha naman, Shainne. Hahaha! Kung isang try nang tawag lang pinaguusapan natin, pwede naman ulit tumawag yon kung mageeffort talaga at importante sakanya kung nasaang lupalop ka na ba napunta. Hahaha!
Me: Mali ko, di ako tumawag nga nung di ko naman nasagot. Dami kasi nangyayari. Wala sa wisyo. Wala sa hulog. Syempre di niya naman yun maiintindihan kasi para sakanya naglaho nalang. May mga dahilan naman ako. Valid naman, sa tingin ko. Ugh naman. Bakit ba natin to pinaguusapan?
Friend: Sabi nga rin sa movie... Ang mahalaga, nakalimutan.
Comments
Post a Comment