Sana noh?

Nakakaiyak. Sa saya at sa lungkot.
Minsan ba naisip mo din kung pwede kang makabalik dun sa dating pangyayari, sa dating ikaw, sa kung paano dati? Miss na miss ko kung gaano kasimple ang buhay dati. Simpleng bahay, masikip nga kung iisipin. Walang aircon. May shower pero hindi gumagana. Hindi malaki ang kusina. Nasa sulok ka lang natutulog pero masaya ka. Sobra. Si mama at papa nandiyan lang. Pag labas mo may makukulit na bata, nakakatawa, magulo, maingay pero sobrang may respeto at malambing.

Gabi-gabi iniisip ko kung kailan ako makakabalik at gabi-gabi ko din kinakailangan tanggapin na hindi na ako makakabalik sa dati. Ang saya sa bahay. Lahat mahal ka. Ultimo alikabok mahal ka. Tahimik ka, ok lang. Wala ka sa mood, ok lang walang away, ayos lang yun. Walang nagiiskor kung may nagawa ka bang mabuti o wala. Walang nanghuhusga kung nagsungit ka o hindi. Pwede kang maging ikaw na wala ka masyadong iniisip na damdamin. Pwede mo gawin lahat ng gusto mo, suportado ka lang, walang sumasama ang loob kahit ayaw nila yung gusto mo. Ayos lang. Mahal ka nila eh kahit ano at kahit sino pa.

Maaamoy mo yung taguan ng gamit, amoy luma. Para bang babalik ka sa mas dati pa, yung panahon na akala mo di mo maiisip pero naiisip mo na. Yung hangin ang sarap din, madaming puno at iba pang halaman, may mga sinampay, may mga labada.

Sana lagi tayong nakakabalik sa mga gusto natin balikan na bagay. Sana lagi natin kasama yung pamilya natin na tanging magmamahal satin kahit di tayo magsalita, kahit tulala lang tayo sa isang tabi. Sana anak makabalik tayo dito, sa simple lang pero ubod ng saya. Sana lagi natin kasama si mama saka si papa. Sana lagi din nating silang naaamoy, nahahagkan, nakakausap. Sana maiyak tayo sa sobrang saya lagi. Sana anak.

Comments

Popular posts from this blog

Montalban Waterpark and Garden Resort

Shercon Resort and Ecology Park

This is how much I miss you