Posts

Showing posts from July, 2016

On days I feel empty... well, slight

One of those days, can I just say?

I slept 12mn last night right after fixing the electric fan. By which, my fault why it was broken and needed fixing at the very first place. So, I have accepted that. And the best thing that I can do is to fix it first and think carefully if I should purchase a new one. It's still working, though. Just needed a little love and care when using.

***

My apartment is located at the top floor of the building. From here, I can see QC, Makati, and Ortigas (if my brain locator is working, right). What a good sight to see especially at night when it's dark and lights are turned on.

It looks like it's going to rain and I feel sad everytime it happens. There's something about rain that makes me so melancholic deep inside wherever I am. Maybe because I'm a summer baby - was born in one of the hottest months (PH-based, of course). I don't know if I feel empty or bored, either way it starting to get the best of me. This could be one good re…

Urinalysis

Bagong buhay. Bagong pag-asa. Bagong bubunuin para makarating kung saan man papunta. Subok lang ng subok. Hindi sumusuko. Dahil pag sumuko, paano na? Ganun naman. Ganun lang ang buhay, ang mundo, pasaan pa ay magugunaw din naman kaya enjoy lang.

Speaking of bagong buhay, nagsimula na ang road to bagong buhay (well, lagi naman nag-uumpisa. Nakailang bagong buhay na ko, sabi ko. Pero ganun yon. Walang sukuan!). Ang welcoming committee nito ay medical. Karimarimarim na kaba lang naman ang inabot ko. Last week, I was asked to submit medical results - check-up time! So bago pa man yun, kinakabahan na ko. Though alam ko naman na wala akong sakit or anything, except siguro sa masakit ang tuhod ko at may sipon ako na very slight. 'Di naman malubha, diba? Proud na proud si Miss Constipated 2016 dahil nakapagdala ng stool sample (kung paano ko nagawa ang lahat ng involved dun ay wag na natin pag-usapan), nagpigil ng ihi for 30 minutes para sa urine sample, kinaya ang blood extraction ng hin…

Kung hindi ka na babalik

Image
Kung hindi ka na babalik, ayos lang naman. Siguro. Siguro sa dami ng mga salitang nasabi at hindi nasabi Siguro sa dami ng mga bagay na naramdaman at hindi naramdaman Siguro hindi na magbabago, sadyang hanggang duon lang tayo. 
Kung hindi ka na babalik, mag-ingat ka.  Ingat ka sa mundong sadyang malupit baka madapa ka Ingat ka sa muli mong pagbangon sa mga oras na lugmok ka Ingat ka sa bago mong landas at maging masaya ka. 
Kung hindi ka na babalik, maalala mo pa rin sana Ang bawat kuwento at salita habang nakasandal sa dingding Ang bawat galaw, tingin, at tunog ng tawa na minsa'y naging bahagi din  Ang pakiramdam sa mga sandaling hindi atin ngunit hindi rin naman sakanila. 
Kung hindi ka na babalik, hayaan mo akong lumuha. Hayaan mo na ilabas ko sa mundo ang pagtanggap sa paglisan mo Hayaan mo na malungkot ako dahil wala ka na Hayaan mo na damdamin ko ang posibilidad na hindi ka na nga babalik
Kung hindi ka na babalik, saan ka ba pupunta? Baking hindi mo sabihin sa akin kung saan at bakit? Bakit h…