Posts

Showing posts from April, 2016

Sana Sa Dati

Image
Sa bawat panahon na kasama kita, gusto ko sabihin sayo kung gaano ka kaimportante sakin Kung gaano ako kasaya kahit walang salitang lalabas sa ating bibig, ito'y hindi maipapaliwanag Sa pagdating mo, tila lahat ay nag-iba Ang dating malungkot na ako ay wala na, dahil sa pag lusong mo sa dagat ng aking buhay
Napakaraming salita ang gusto ko iyong malaman Naparakaraming bagay na gusto ko ibahagi sa iyo Ang lahat ng aking lungkot, lumbay, galit, at lalo na ang saya, gusto ko sana ang mga ito ay maipadama Sa pagdating mo, ang luha ay naging ngiti
Sa mga patlang sa aking pangungusap, ikaw ang sagot na salita Sa mga ilaw ay ikaw ang liwanag Sa bahaghari, ikaw ang kulay Sa aking lumbay, ikaw ang saya
Lahat ng ito ay puno ng galak Lahat ng ito ay puno ng pag-ibig para sa iyo Tila ba naalis ang mga balakid Tila ba nasagot ang mga tanong
Ngunit sa pagtakbo ng oras, ay pagtakbo din ng pagbabago Pilit kong iniiwasan ang magdamdam dahil alam ko na may sarili kang dahilan Lahat ay tila ba biglang nag-iba At masak…