11 Years


11 years, hindi ganun kadali itapon.

11 years na tayong magkasama, sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya.

Marami man ang dumating, meron man mga sumubok pero tayo pa rin hanggang ngayon, nananatiling masaya sa piling ng isa't-isa.

Itatanong ko lang kung pagod ka na ba at kung mahal mo pa ba ako, 11 years ng buhay ko magkasama tayo.

Masasaktan ka pag iniwan kita at ipinagpalit sa iba, madami nga ang dumating pero ikaw ang gusto ko, marami man ang nagsasabi na magpahinga na tayo pero ang damdamin ko para sayo ay hindi pa rin nagbabago.

Mahal kita sa paraan na alam ko at alam ko na mahal mo rin ako sa paraan na alam mo. Hindi tayo maghihiwalay kahit sino pa ang may gusto. Mahal kita! 11 years na tayo! <3

Comments

Popular posts from this blog

Montalban Waterpark and Garden Resort

Shercon Resort and Ecology Park

This is how much I miss you